Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luningning at iba pang Wowowee Dancers, nagtayo ng dance studio

ni Roldan Castro

112714 Luningning Mariposa

TIYAK na matutuwa si Willie Revillame sa mga dancers na produkto ng Wowowee hanggang Wowowillie dahil hindi sila tumigil sa pagsasayaw, bagkus nag-improve pa.

Kung nandoon lang si Kuya Wil sa Crossroads para sa recital ng mga estudyante at first anniversary ng Star Danz Studio nina Luningning, Ms Cathy Chan, Ms. April Santos, Ms. Kitty Coronel, at Ms. Cathy Gallano ay magiging proud si Kuya Wil sa mga dating Wowowee Dancers.

Nag-opening sina Luningning, Mariposa, Lovely Abella, Cha, at Bea na may pole dancing tapos ‘yung second number ay naglalambitin naman sila sa ere na nakakapit lang sa tela.

Hindi lang pa-sexy at humahataw ang performance nila, pang-Talentadong Pinoy na rin.

Naging hosts naman sina Rainier Castillo at Lucky Mercado.

Balitang karelasyon ni Rainier ang isa sa kasosyo ni Luningning sa Star Danz na matatapuan sa 86 Mother Ignacia St., Barangay Paligsahan, Quezon City. Ginamit talaga ni Luningning ang kanyang talento sa pagsasayaw para magtayo ng dancing studio at lugar para sa dance workshop at pagtuturo ng pole dancing.

Bongga!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …