Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon ni Ai Ai kay Gerald, ‘di masasabing for keeps na

ni Ronnie Carrasco III

091614 gerald aiai delas alas

SA tanong kung aware ba s i Ai Ai de las Alas sa relasyong pinasok na naman niya—this time with a guy 30 years her junior—the answer is a big YES.

Pero kung umaasa siyang for keeps (or for keps lang?) na ito, tulad ng kanyang ipinagdarasal, Ai Ai should knock some sense into her head.

Matuto na sana ang hitad from her previous marriages—una, kay Miguel Vera na pinakasalan niya only to find out na kasal pala ang balladeer sa isang nagngangalang Christine; at ikalawa, kay Jed Salang sa Amerika only to realize he wasn’t a husband material either.

Ihanda ni Ai Ai ang kanyang sarili na malaking factor ang kanilang age gap kahit sabihin pa nating “Age doesn’t matter.” But age gap DOES matter.

Maaaring ang trip ni Gerald Sibayan ay napaglipasan na ni Ai Ai whose interests are that of her golden age. Also, being a non-showbiz guy, hindi sanay ang bagets sa kaluka-lukahan o eccentricities ng mundo ng kanyang nobya much less Ai Ai’s eccentricities mismo!

Culture shock ang idudulot nito kay Gerard who might regret having mixed his quiet life with Ai Ai’s turbulent state of mind.

What might even cause discomfort sa parte ng bagets ay ang katotohanang he’s under public scrutiny. Minamanmanan ang kanyang bawat kilos, to the point that this will encourage him to be somebody that he is not para lang maging kanais-nais sa paningin ng publiko, lest siya ang kontrabida.

At si Ai Ai ang api-apihan na namang mangingibig, na ang tanging kasalanan lang ay nagmahal.

Enough of this forthcoming cheap melodrama!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …