Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Toni Gonzaga sa MoA kompirmadong kumita (Pops Fernandez bilib sa talent at pagiging multi-media artist)


112414 pops fernandez toni gonzaga

00 vongga chika peterVINDICATED si Toni Gonzaga at ang kampo nila laban sa gumawa ng black propaganda para siraan ang 15 anniversary concert ng sikat na singer-actress/host na Celestine na ginanap last October 3 sa SM Mall of Asia Arena.

Naisulat na namin at ilang press na sumusuporta kay Toni ang tagumpay ng kanyang konsiyerto at nabigyang linaw na rin na hindi totoong konti lang ang nanood dahil lampas 90% ang crowd ni Toni sa gabi ng kanyang concert at ito ay pinatotohanan mismo ng MOA. Ngayon ay hindi na lang kami ang nagtatanggol kay Toni, dahil nagsalita na rin ang main producer ng concert nito na si Pops Fernandez hinggil sa naturang issue.

Nagbigay ng statement si Pops nang ma-interview siya kamakailan ng entertainment press para sa reunion concert nila ng ex na si Martin Nievera. Narito ang mga naging pahayag ng Concert Queen, “We did very, very well. I’m very happy, I’m very impressed kay Toni, I know she’s a good singer, she could dance. And I know she put, I think, more than a hundred percent on that show kasi siya siya talaga ‘yung, actually silang dalawa ni (Paolo Valenciano) ang nag-conceptualize ng show, she worked so hard for it, she really rehearsed for it,” ani Pops.

Patuloy ng Concert Queen na talagang pinupuri ang Kapamilya star, “When I chose to produce Toni, alam kong magaling siyang kumanta, nakasasayaw siya, at magaling siyang magsalita. But when I watched her in the concert, mas na-surprass pa niya ‘yung bilib ko sa kanya because nga she was very calm, she’s such a perfectionist. And I think people expected her to have the title “Concert Queen.”

“Tama si Martin. Why would she aspire for that? I think she has her own title which is better. She is a multi-media artist,” sunod-sunod pang sambit ng singer businesswoman. May masasabi pa ba kami e lahat binanggit na ni Pops and among Kapamilya stars bukod kay Kris Aquino sino pa ba ang pwedeng itapat kay Toni sa pagiging multi-media star? Sa tingin namin ay wala na at ‘yan ang “truth and nothing but the truth.” Pero humahabol rin sa kanya ang younger sister na si Alex Gonzaga na next year ay mas lalong bobongga ang career at maituturing nang little multi-media artist gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …