Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, starstruck kay Claudine; BB, sasayaw ng naka-tangga

112114 Mariel claudine bb

00 fact sheet reggeeSANG bonggang opening number ang sasalubong ngayong Sabado sa Talentadong Pinoy 2014 dahil magsasama-sama sina Mariel Rodriguez-Padilla, Dennis Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari para sa isang production number ng “Talentadong Padilla” para sa surprise birthday celebration ni Robin Padilla.

Kaabang-abang din ang pag-upo ni Claudine Baretto, Dennis, at Direk Joyce Bernal bilang talent scouts sa gabing ito.

Samantala, sasalang sa entablado ang Talentadong Pinoy ng Binan na si Marvic Alvarez o “Amazing Kid” na magpapamalas ng galing nya sa pagba-balance.

Si Jadzelle Ventura o mas kilala bilang “Simply Called Jadzelle” ang Talentadong Pinoy ng Pasig City na ay magpapakita ng talento sa pagbirit.

Taga-Cainta naman si Alejandro Baldemoro na sasabak din sa gabing ito upang patunayan kung bakit sya tinawag na “Tsako Elastiko”.

Ipakikita naman ni Edmon Villamor ng Novaliches ang natatangi niyang talent sa pagma-magic kung kaya’t nabansagan din syang “Magic of Mhon”.

Hindi rin naman magpapahuli si Neil Rey Garcia ng Davao sa kanyang kakaibang talent sa pagkanta at pagbi-beat box.

Abangan sa Sabado, Nov 22 ang bonggang birthday celebration ni Robin sa Talentadong Pinoy 2014,7:00 p.m., sa TV5.

Starstruck pala si Mariel kay Claudine na idol pala niya ang aktres kaya pumasok siya sa showbiz.

Bata pa raw siya nang maging tagahanga siya ni Claudine at sinuportahan nito ang projects ng kanyang idol. Kaya naman nang nalaman nito na isa si Claudine sa magiging talent scouts ngayong Sabado, ay agad-agad itong nagpa-picture nang magkita na sila sa taping sa studio.

Ano kaya ang say ni Robin nang makitang sasayaw at naka-tangga ang kapatid niyang si BB?

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …