Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maria, Lovi, Maja, at Angel, magsasalpukan sa Star Awards

 ni Cesar Pambid

112114 maricel lovi angel maja

SINO ang pinakamagaling na aktres?

Exciting ang labanan ng mga aktres sa 28th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club. Limang Kapamilya aktres laban sa dalawang Kapuso. Sino kaya sa kanila ang pipiliin ng mga voting member?

Nominado kapwa sina Maricel Soriano at Lovi Poe sa seryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Nasubaybayan namin ang seryeng ito at sa simula pa lang hindi na kami nagdudang pang-nominasyon ang roles nina Marya at Lovi. Kapwa sila humihingi ng award sa klase ng magaling nilang acting. Bigay na bigay kumbaga, suwabe lang at hindi over-acting.

Pero hindi patatalo sina Maja Salvador at Angel Locsin sa Legal Wife, ‘yung confrontation scene nila ay nag-trending pa sa internet. No doubt, kung isa sa kanila ay mapili, tiyak swak naman talaga.

Pero dark horse sina Dawn Zulueta, Kim Chui, at Bea Alonzo na pare-parehong ipinakita ang mga best to prove na may laban sila. Kaya abangan ang salpukan ng limang magagaling na aktres.

Mapapanood ang kabuuan ng Star Awards sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-30 ng Nobyembre, 2014, 11:00 p.m..

Ang 28th PMPC Star Awards for Television ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksiyon ni Arnel Natividad.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …