Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxanne Cabañero, nagtayo ng negosyo para may pagkaabalahan

ni James Ty III

112114  Roxanne Cabañero

KAHIT hindi umubra ang kasong inihain niya kay Vhong Navarro noon dahil ito’y ibinasura ng korte, tuloy pa rin ang buhay ng kontrobersiyal na modelo at dating beauty contestant na si Roxanne Cabanero.

Sa exclusive na panayam ng Hataw sa kanya, sinabi ni Roxanne na nagtayo siya ng bagong negosyong pagde-design at pagbebenta ng mga swimsuit.

“I’m still in the process of building my business plan,” say ni Roxanne sa amin habang nanonood siya ng laro ng PBA sa Araneta Coliseum. ”I hope to launch my business next year.”

Matatandaang sumikat si Roxanne dahil sa kanyang pag-akusa kay Vhong na nang-rape umano sa kanya sa Cavite.

Ngunit dahil kulang daw ng ebidensiya ay ibinasura nga ng korte ang kaso.

Pagkatapos nito ay sinubukang sumali ni Roxanne sa Miss World Philippines 2014 ngunit umatras siya dahil sa sobrang negatibong feedback sa kanyang pagsali dulot ng simpatya ng publiko kay Vhong.

“I have this very unique marketing. I will be travelling all over the Philippines to feature my swimsuits,” dagdag ni Roxanne. ”I also plan to sell some of my creations to my friends in Bb. Pilipinas, the 2011 batch, and some model-friends.”

Idinagdag ni Roxanne na sa rami ng mga problemang hinaharap niya sa buhay, napanatili niya ang pagiging matatag.

“Right now, I’m moving forward and I’m just being positive. Life is beautiful,” pagtatapos ni Roxanne.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …