Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby naihagis ni nanay, patay (Naalimpungatan sa pagtulog)

082914 dead babyCEBU CITY – Kasong parricide ang kinakaharap ng 18-anyos ina makaraan maihagis ang kanyang isang taon gulang na sanggol nang maalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog sa Gen. Luna St., Pob. II, Carcar City, Cebu kamakalawa.

Nakapiit sa Carcar City Police ang ina na si Catherine Alinsugay Tulod, ng Gen. Luna St., Poblacion 11, Carcar City.

Ayon kay PO2 Camia Codo, mismong ang 16-anyos kapatid ng suspek na si Ronil Tulod ang nagsumbong sa mga awtoridad sa insidente.

Sinabi ni Tulod, ginising niya ang suspek para pasusuhin ang anak dahil iyak nang iyak ngunit laking gulat nang bigla na lamang nagalit, at naihagis ang walang muwang na paslit.

Tumama ang ulo ng bata sa pintuan kaya agad dinala sa Carcar City District Hospital ngunit namatay.

Nakatakdang isailalim sa psychological assessment ang nasabing ina para alamin kung may problema sa pag-iisip.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …