Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Stags, Chiefs sumalo sa tuktok

111414 NCAA Volleyball

MINADALI ng San Sebastian College Lady Stags at Arellano University Lady Chiefs ang pagkaldag sa kanilang nakatunggali upang manatiling malinis sa team standings ng 90th NCAA womens’ volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City Martes ng hapon.

Hinampas ng Lady Stags ang San Beda College, 25-22, 25-20, 25-9 habang pinayuko ng Lady Chiefs ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 25-14, 25-17, 25-16 upang saluhan ang College of Saint Benilde Lady Blazers at Perpetual Help Lady Altas sa tuktok kapit ang tig 2-0 win-loss records.

Kumana ng tig walong puntos sina CJ Rosario, Elaine Sagun, Menchie Tubiera at Danna Henson upang ilampaso sa tatlong sets ang Lady Pirates.

Ganado naman si Shakey’s V-League standout Gretchel Soltones kaya kumamada ito ng 19 points kasama ang 15 kills at apat na service aces upang tulungan ang Lady Stags na tapusin rin sa tatlong sets ang San Beda.

Sa men’s division, pinagpag din ng Stags at Chiefs ang Red Lions at Pirates upang makisalo rin sa unahan kasama ang Altas at Emilio Aguinaldo College Generals na may tig 2-0 win-loss slate.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …