Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging malapit nina Kaye at Neil, binibigyang-kulay

112014 kaye dazer neil perez

INIINTRIGA ang pagiging malapit sa isa’t isa ng action lady na si Kaye Dacer at ng winner ng Mr. International Philippines 2014 na si Neil Perez.

Si Neil ay ang pulis na naging viral sa internet dahil sa pagsali sa isang contest na napagwagian niya. Siya ang kakatawan sa Mr. International 2014 na gaganapin sa Korea samantalang si Kaye naman ay kilalang broadcaster ng bansa.

Parehong nasa public service ang dalawang personalidad. Si Kaye na nagho-host sa DZMM teleradyo ng public service program at tinaguriang action lady samantalang si Neil naman ay isang pulis na tapat sa kanyang serbisyo.

Nagkasama ang dalawa para sa pictorial ng isang magazine na sila ang cover. Swak na pagsamahin ang dalawa dahil pareho silang tagapagtanggol at sumbungan ng bayan dahil sa kanilang mga katayuan sa lipunan.

Pero marami ang nakakapansin na bagay sila at puwedeng humantong sa totohanan ang kanilang samahang pantrabaho lamang.

Nang makapanayam ang dalawa, hindi isinara lalo na ni Neil ang posibilidad na mauwi sa ibang bagay ang kanilang samahan. May posibilidad ba na ma-inlove siya sa action lady?

“Hindi natin alam ang panahon,” aniya. “Puwedeng magbago ang ihip ng hangin. Mabait naman si Ms. Kaye,” tugon pa niya. Samantala, higit sa ano pa man ay sinabi naman ni Kaye na hindi ganoon kadali ang lahat. Maaaring napapalapit sila ngayon dahil sa trabaho. Pero sinabi niya na kung sakaling umibig siya ay maraming beses niya itong pag-iisipan dahil sa mga nakaraan niyang relasyon.

Aniya, kikilalanin muna niyang mabuti ang taong muling magpapatibok ng kanyang puso.

“Siguro, makilala pa namin ang isa’t isa,” patungkol niya kay Neil. ”Mas magandang mag-umpisa muna sa pagkakaibigan ang lahat,” pakli pa niya. (HNT)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …