ANG White Christmas ang pinakamalaking hit na recorded Christmas song simula nang awitin iyon ni Bing Crosby, pero ang “White Christmas” ay nananatiling pangarap na lamang para sa maraming Filipino dahil wala namang snow dito. Ngayon lang maaaring magkaroon ng katuparan ang pinapangarap nating “white Christmas” sa Snow World sa Star City.
Maaari kayong maglaro sa tunay na snow, o magpahinga sa loob ng isang log cabin sa tabi ng isang fire place. Maaari kayong makipag-swing kasama si Santa Claus sa snow, o masalubong si Santa Claus na nakasakay sa isang sleigh na gawa sa yelo na hinihila rin ng mga reindeer na gawa sa yelo. Maaari rin ninyong panoorin habang bumababa si Santa Claus gamit ang isang lubid para maihatid sa mga bata ang kanyang mga regalo. Talagang Paskong-pasko na sa Snow World at diyan magkakaroon ng katuparan ang madalas nating napapangarap na “white Christmas”.
Siyempre hindi kompleto ang “white Christmas” kung walang tunay na snow man sa labas ng bahay. Bukod diyan maaari kayong maglaro sa snow, gumawa ng sarili ninyong snow man, at magpadulas sa pinakamahabang man made ice slide sa buong mundo ngayon. Makikita rin ninyo ang mahigit na 250 ice figures na nilikha ng mga kinikilalang Filipinong artisans na ilalaban ng Snow World sa world championship na gaganapin sa Alaska sa darating na Pebrero.
Tunay ang Pasko sa Snow World. Ang Snow World ay bukas Lunes hanggang Huwebes mula 4:00 p.m. at mula 2:00 p.m. kung Biyernes hanggang Linggo.