Monday , December 23 2024

Pangil kontra-krimen, ibinigay sa mga barangay

112014 caloocan logoIKINATUWA ng 188 barangay chairman ang patakaran na lahat ng pulis-Caloocan ay magre-report muna sa kanila bago mag-duty sa itinalagang lugar sa pagnanais ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na sugpuin ang tumataas na kriminalidad sa lungsod habang papalapit ang Kapaskohan.

Sa ika-sampung pagpupulong ng Peace and Order Council, inihayag ng bagong Caloocan Police Chief, P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante na sa bawat Police Community Precincts (PCP) ay may 70 pulis na magpapatrolya.

”Ang mga pulis ay ma-dedestino sa 188 barangays ng lungsod at sila ay magre-report muna sa Barangay Chairman bago sila magronda, para sa iba pang mga instructions.”

Inaatasan din na ‘lakarin ang kanilang destino’ at ma-ging pamilyar sa kanilang kapaligiran gaya ng pakikipag-usap sa tricycle drivers, taho vendors, sari-sari store owners, security guards at iba pang mga residente na maalam sa kanilang kapaligiran,” diin ni Bustamante.

Inihayag ni Malapitan na magkakaroon na ng 21 brand new Toyota Vios units na mai-daragdag sa mga sasakyan ng Caloocan PNP bilang police patrol cars, at humiling na rin siya sa Department of Interior and Local Governments (DILG) ng karagdagang pulis upang matulungan ang 780 pulis ng lungsod.

”Sa 1.5 milyon na populasyon ng Caloocan, bawat pulis ay nagsisilbi sa 1,983 residente, napakalayo sa 1:500 na ratio na isinusulong ng pambansang pamunuan kung kaya’t pinag-isipang mabuti ang bagong sistemang ito upang masuportahan ng barangay at ng auxillary police bilang force multiplier ang kakaunting tauhan ng PNP,” dagdag ni Malapitan.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *