Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella Cruz, kinabahan sa love scene nila ni Nash Aguas!

111914 Ella Cruz gimme 5

00 Alam mo na NonieNAPASABAK si Ella Cruz sa kakaibang role sa pinakabagong primetime teleseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na pinamagatang Bagito. Ito raw ang pinaka-challenging role na natoka sa kanya.

Three months ago lang nang nag-debut si Ella sa kanyang huling TV series na Ar-yana ay medyo nene pa talaga. Pero ang Bagito ay kakaiba sa mga nagampanan na niya before.

Gumaganap si Ella sa Nash Aguas-Alexa Ilacad starrer na serye bilang si Vanessa. Isang college student na may problema sa inang nagtatrabaho sa Tate at sa BF niyang pabling. Dito eentra sa buhay niya si Drew (Nash) at sa hindi sina-sadyang pangyayari, mabu-buntis siya ng katorse anyos na binatilyo.

Sa love scene nila ni Nash daw kinabahan nang husto si Ella. Although, suggestive lang ito at definitely ay walang bastos o offensive na ipinakita rito, aminado si Ella na na-shock siya nang napanood ang natu-rang eksena.

“Habang pinapanood ko kanina’y kinakabahan ako nang sobra. First time kong ginawa iyon. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko na ang ganoong scene, parang shock pa rin ako,” saad ni Ella.

Hindi naman nagpaka-plastic si Ella na aminin na okay lang sa kanya kung may dara-ting pang daring na offer. ”Siyempre nasimulan na po, ayoko naman na sabihin nila na nag-iinarte ako. Siyempre po I can still play tweetum and wholesome roles po. Pero mas gusto ko po talaga iyong challenging, ‘yung talagang macha-challenge ako.”

Ang Bagito ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina, Kapatid, Anak, Juan Dela Cruz, at Ikaw Lamang.

Ito ang kauna-unahang Kapamilya Primetime teleserye nina Nash at Ale-xa. Nagsimula na itong umere last Monday at mapapanood bago mag-TV Patrol.

Tampok din dito sina, Agot Isidro, Ariel Rivera, Angel Aquino, Paolo Santiago, Alex Diaz, ang grupong Gimme 5 na binubuo nina Joaquin Reyes, John Bermudo, Grae Fernandez, Brace at Arquia, at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …