Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maya at Ser Chief, mangunguna sa “Global Kapit-Bisig Day” ngayong Biyernes sa market market Taguig City

111014 be careful Global Kapit-Bisig Day

00 vongga chika peterSabay-sabay na masasaksihan ng Kapamil-ya viewers sa buong mundo ang finale ng top-rating feel-good habit ng bayan na Be Careful With My Heart.

Dahil sa Nobyembre 28 (Biyernes, mag- kakapit-bisig ang lahat ng Filipino para sa “Global Kapit-Bisig Day” dahil sabay ipalalabas ang happy ever after ng love story nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa ABS-CBN at The Filipino Channel website (TFC.TV).

Bukod sa telebisyon, mapapanood din ang Be Careful With My Heart finale sa Internet sa pamamagitan ng BeCareful.ABS-CBN.com at iWanTV.com.ph.

Sa loob ng mahigit dalawang taon mula nang umere noong Hulyo 2012 nabihag ng Be Careful With My Heart ang puso ng TV viewers hindi lang dahil sa mga eksenang punong-puno ng good vibes kundi dahil na rin sa magagandang aral na ibinahagi nito tungkol sa pamilya, pag-abot ng pangarap, at pag-ibig.

Sa huling dalawang linggo ng programang minamahal ng lahat, ano pa ang mga pangyayari at pagsubok na magkasamang haharapin nina Ser Chief at Maya sa pagkakamit nila ng kanilang “happy ever after?” Samantala, bago ang “Global Kapit-Bisig Day,” isang grand finale mall show ang handog ng buong cast ng Be Careful With My Heart sa kanilang fans ngayong Biyernes (Nobyembre 21), alas-singko ng hapon, sa Market! Market! sa Taguig City.

Huwag palampasin ang moments of love and happiness sa huling dalawang linggo ng Be Careful With My Heart araw-araw, 11:30am, bago mag-It’s Showtime sa Prime-tanghali ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becare- fulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmy heartofficial.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …