Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 preso sa Bilibid todas sa rambol

111914 bilibid deadKAPWA patay ang da-lawang preso sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) nang mag-away dahil sa utang kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NBP Offi-cer In Charge (OIC), Supt. Robert Rabo, ang namatay na si Henrico Maglasang, may kasong robbery with homicide at nakulong noong 2001, tinamaan ng apat na saksak sa katawan.

Namatay rin ang presong si Arisedes Lucero makaraan kuyugin ng kapwa mga preso. Si Lucero ay nakulong noong 2010 dahil sa kasong murder.

Patuloy na iniimbestigahan ang 120 inmates upang mabatid kung sino-sino ang mga responsable sa pagkamatay ni Lucero.

Sinabi ni Supt. Rabo, dakong 1:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Selda 13 C ng naturang bilangguan .

Sina Maglasang at Lucero ay kapwa miyembro ng “Batang Cebu Gang.”

Sinasabing siningil ni Maglasang si Lucero sa kanyang utang ngunit ikinatwiran na walang maibabayad dahil wala pa siyang pera.

Ang pag-uusap ng dalawa ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang kumuha ng patalim si Lucero at sinaksak si Maglasang.

Pagkaraan ay pinagtulungan bugbugin at pagpapaluin ng iba pang mga preso si Lucero na kanyang ikinamatay.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …