Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zoophilia arestado sa Camsur (Menor de edad na mag-ate, alagang hayop ginahasa)

111914_FRONT08NAGA CITY – Arestado ang isang la-sing na lalaki makaraan manghalay ng magkapatid na menor de edad at iba’t ibang uri ng hayop sa Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Jerry Barro, 38-anyos, maituturing na isang zoophilia, o isang tao na nahihilig makipagtalik sa mga hayop.

Ayon sa ulat, hinalay ng suspek ang magka-patid sa magkahiwalay na insidente.

Unang inabangan ng suspek ang 10-anyos bata na inutusan ng kanyang lola na bumili ng bigas.

Dinala ng suspek ang bata sa gitna ng taniman ng mais at doon hinalay.

Ngunit nakatakas ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga residente. Lingid sa kanyang kaalaman, pinuntahan ng suspek ang kanyang 13-anyos kapatid na pinilit din ni Barro na mag-oral sex.

Nang matunugang nakapagsumbong ang isa sa mga biktima, agad tumakas ang suspek ngunit kinaumagahan ay nada-kip ng mga pulis.

Ayon sa 10-anyos bata, bago ang pangyayari ay dati na siyang ginalaw ng suspek sa lamay ng kanyang namatay na lola.

Ayon sa isa pang lola ng mga biktima na siyang nag-aalaga sa mga bata, pareho nang ulila sa mga magulang ang mga bata at hindi lamang ang da-lawang menor de edad ang hinalay ng suspek.

Tuwing nalalasing aniya si Barro ay tila nawawala sa katinuan kaya nagagawang hala-yin ang iba’t ibang uri ng hayop tulad ng pato, manok at kambing, ang huli ay isang kalabaw.

Kaugnay nito, tiniyak ng mga awtoridad na iimbestigahan ang pangyayari at pananagutin ang suspek sa kanyang ginawa sa magkapatid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …