Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampo ni Elmo, ‘di pumayag na mag-guest sa concert ni Julie Anne

ni Roldan Castro

111814 Elmo Magalona Julie Anne San Jose

HINDI big deal kay Julie Anne San Jose kung ayaw mag-guest ni Elmo Magalona sa kanyang first major concert sa MOA Arena sa December 13 entitled Hologram. Nandiyan naman sina Christian Bautista, Abra, at Sam Concepcion. Ito’y sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ang apektado ay ang fans nina Julie at Elmo na hindi pa rin mapagsama ang dalawa at mapagbigyan.

Sa kampo ni Julie Anne ay wala namang problema na muling magkasama sila ni Elmo.

Pero ayon sa manager ng young actor na si Pia Magalona, may prior commitment daw si Elmo.

Hiniling na lang ng producer ng concert na Tarroza Entertainment Productions (sa pangunguna ni Robby at ng kanyang pamilya) na sa hologram na lang ilagay si Elmo at irecord nila pero hindi pa rin daw pumayag ang kampo ni Elmo.

Porke’t naka-penetrate na ang love team nina Elmo at Janine Gutierrez mukhang ayaw na nilang pagbigyan ang mga JuliElmo. Hindi na ba nila kailangan si Julie Anne kaya deadma na sila sa big event ng dating ka-love team? Hindi man lang mabigyan ng importansiya at kaunting oras na mapasaya ang fans kahit sa hologram lang makita si Elmo at hindi na mag-live.

Anyway, nagulat si Julie Anne sa pagkaka-link niya kay Abra. Hindi raw totoo. Nagkaroon lang daw sila ng collaboration para sa isang kanta na na-perform nila sa isang Sunday show. Hindi raw sila nagdi-date pero friends sila. Nagulat nga raw siya kung saan nanggaling ang chism na ‘yun?

“I-link kami talaga agad? Friends lang po kami ni Abra,” bulalas niya.

Talbog!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …