Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, kabado dahil flag bearer ang Dream Dad

ni Roldan Castro

111814 Zanjoe Marudo

MAS napaganda ang time slot ng Dream Dad ni Zanjoe Marudo dahil ito ang papalit sa Hawak Kamay simula November 24. Flag bearer siya sa Primetime dahil pagkatapos ito ng TV Patrol.

May kaba factor ba si Zanjoe dahil siya na ang title role?

“Kung may kaba? Siyempre, hindi nawawala ang kaba. Importante ‘yun kasi, dapat kinakabahan ka pa rin kahit paano. ‘Pag kampante kasi masyado, hindi naman maganda. Hindi ko alam, eh, title role, oo. Pero ang title holder na nandito,” bulalas niya sabay turo sa kanyang co-star na si Gloria Diaz na dating Miss Universe.

Makakasama rin nina Zanjoe at Jana Agoncillo sa Dream Dad sina Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Samantala, hindi pa rin makompirma ni Zanjoe na pakakasal na sila ni Bea Alonzo.

Pero nang tanungin daw ni Gloria si Bea ay yes ang isinagot.

Tungkol naman sa pelikula, kapipirma lang ni Zanjoe ng three-year contract sa Star Cinema. Ang kanyang co-star na si Angelica Panganiban sa Banana Split :Extra Sccop at Banana Nite ang makakapartner niya sa pelikulang Size Matters.

“Mukhang comedy naman ang gagawin namin so nakaka-excite kasi komportable na kami sa isa’t isa. Alam na namin ‘yung bawat bitaw or bato ng bawat isa, ‘yung timing, so nakaka-excite na gagawin naman namin siya sa isang pelikula, hindi lang sa ‘Banana Split’,” deklara ng actor.

Itinanggi rin niya na hiwalay na sila ni Bea at mayroon siyang ibang babae. Tsismis lang daw ‘yun.

“Alam naman niya (Bea) ‘yun kung gaano ako ka-loyal sa kanya. Parang sa tagal ko naman dito sa industriya, never akong gumawa talaga ng kalokohan. Kahit itanong natin sa mga babae rito sa industriya, wala akong number nila. Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako ‘yung tipo ng ganoon. Hindi naman ako guwapo, hindi naman ako habulin ng chicks, so bakit naman ako magiging ganoon ang ugali ko. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng guwapo, eh, ganoon, ha,” sey pa ni Zanjoe.

Tsuk!

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …