Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julian, ‘di raw pinagalitan, nag-sorry lang sa mag-inang Marjorie (Sa ginawang pag-amin sa relasyon nila ni Julia)

ni Roldan Castro

110414 Julian Estrada Julia Barretto

ITINANGGI ni Julian Estrada na pinagalitan siya ng Star Magic sa pag-amin niya na nakarelasyon niya si Julia Barretto ng six months sa presscon ng Relax It’s Just Pag-ibig na showing na sa Miyerkoles.

Inutusan lang siya na humingi ng sorry kay Julia at sa ina ng young actress na si Marjorie Barretto. Nag-text daw siya kay Julia at nag-sorry na sumagot siya ng ‘yes’ noong tanungin kung naging girlfriend niya ito. Humingi rin siya ng paumanhin na naisama ang pangalan ni Julia sa presscon ng pelikula kahit hindi ito kasama.

“I just wan’t to be honest. I don’t wanna lie,” ang sabi raw niya kay Julia nang tawagan siya at tinanong kung bakit nagawa niya ‘yun.

Aminado si Julian na na-pressured siya sa presscon at feeling niya ay nakatingin lahat sa kanya nang tanungin ang status ng relasyon nila ni Julia.

Tinanggap naman daw ni Julia ang sorry niya .Kahit si Marjorie ay nakausap niya na nagsabing panatilihin ang friendship kay Julia kahit split na sila. In good terms naman daw sila ng pamilya Barretto.

Kahit ang ama niyang si Senator Jinggoy Estrada ay nagsabi na mga bata pa sila at marami pa naman diyang iba kung hindi man sila nagkatuluyan.

Si Julia ang unang serious relationship niya. Puppy love lang daw ‘yung mga nauna sa young actress.

Basta ngayon ay matiyagang naghihintay si Julian kung sino ang ipapalit niya kay Julia. Wala pa naman daw iba. Last year pa raw nangyari ang hiwalayan. Basta ngayon ay focused muna siya sa sarili niya at pag-aaral.

Anyway, excited na si Julian sa premiere night ng pelikula nilang Relax, It’s Just Pag-Ibig sa Tuesday na kasama sina Inigo Pascual at Sofia Andres. Inaasahan niyang darating ang kanyang lolo na si Mayor Joseph Estrada dahil pina-block daw ang schedule nito, ang kanyang lola, mommy, at pamilya.

Hindi naman puwedeng makita at darating si Senator Jinggoy sa premiere night dahil tiyak magkakagulo sa Pilipinas ‘pag pinayagan siyang makaalis sa kanyang detention center sa Camp Crame. Bibigyan na lang daw niya ng CD ang ama para mapanood ang kanyang pelikula.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …