Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ, mas magiging happy kung magkakatuluyan sina KC at Paulo

ni Roldan Castro

111714 LJ Paulo KC

BAGO magsimula ang gala premiere ng pelikulang Bigkis ng BG Productions ay nakatsikahan namin si LJ Reyes. Kinuha namin ang reaksiyon niya na ipinakilala ni Paulo Avelino ang kanilang anak na si Aki kay KC Concepcion.

“Ah, okey lang naman ‘yun sa akin kasi mahilig din sa bata si KC,” sey niya.

Ipinaalam ba sa kanya?

“Hindi. Hindi kasi ako nagtatanong kung ano ang ginagawa, ganyan. Tinatanong ko lang si Aki kung behave ba siya, kung kumain ba siya ng maayos, ‘yung mga ganoon. Pero never akong nag-usisa ng kunwari ano ba ang ginawa niyo the whole day,” sambit niya.

Okey naman daw sila ni KC. Binati nga raw niya ito ng condolence sa pagkamatay ni Mommy Elaine Cuneta. May grupo raw sila sa viber dahil sa bridal shower ni Marian Rivera.

Wala ba talagang problema pag ‘yung mga nali-link kay Paulo ay ipakilala kay Aki?

“Okey lang naman basta seryoso sila. Basta ‘wag lang ‘yung paiba-iba. Pero I’m sure, mukha namang seryoso sila . ‘Yun.. nakatutuwa rin,” tugon niya.

Kung magkompirma sina KC at Paulo na mag-on na, matutuwa ba siya o mahu-hurt?

“Magiging happy ako first of all para kay Pau kasi happy siya. If ever man na magkatuluyan sila, ‘di dalawa na kaming magiging mommy ni Aki. Mayroon na akong magiging katulong.Mahirap din ang maging single mother. Hindi na mahati ang katawan ko,” bulalas pa niya sabay tawa.

Bakit hindi siya maghanap ng bagong dyowa?

“Mauna muna siya,” pakli niya.

Anyway, kasama ang Bigkis sa QCinema Film Festival.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …