Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 EB Babes, nanakawan ng LV bag at P80,000 cash

ni Ronnie Carrasco III

ISANG programa pa ang kasunod ng Eat Bulaga tuwing Sabado bago ang Startalk—ang Wish Ko Lang—pero tila Joey de Leon still couldn’t keep his mind off the unfortunate incident sangkot ang dalawang EB Babes.

Bungad kasi ni Tito Joey, ” Kawawa naman ‘yung dalawang EB Babes, nalusutan ng dalawang magnanakaw. Natangay ‘yung dalawang bag nila na iniwan sa dressing room.”

Of the two bags, isa raw roon ay Louis Vuitton; the other na hindi matandaan ni JDL contained P80,000 in cash na inilalaan sana ng isa sa dalawang EB Babes para sa pagpapaopera ng kanyang ama.

Despite the incident, ani Tito Joey, nakuha pa raw mag-perform ng mga taong ninakawan—out of sheer professionalism—pero ramdam daw niyang nanlulumo ang mga ito. ”Eh, magkano lang naman ang kinikita ng mga ‘yon?”

Nang madiskubre na ang mga nawawalang gamit, agad nilang nirebyu ang naka-install na CCTV. There, they found out that the gay culprits posed as stylists or makeup artists. How they gained entry into the Eat Bulaga studio ay posibleng sumabay sila among a huge crowd of entrants, oblivious to the security guard on duty.

Minsan na raw palang naaktuhan ni Tito Joey—noong nasa ABS-CBN pa angEat Bulaga many, many years ago—isang baklang nagpapanggap ding kakilala ng production staff ang pumasok sa dressing room.

Kuwento ni Tito Joey, ”Nagkataon kasi na na-late ako nang dating, so pagpasok ko sa dressing room, nasa floor na sila. Pagpasok ko, ang bumungad sa akin, eh, isang bading na patingin-tingin sa mga gamit. So, tinanong ko, ‘May hinahanap ka ba?’ Ang sagot niya, ‘Ah, eh, wala po. Sige, aalis na po ako.’ Sabi ko, ‘Hindi, huwag kang umalis,’ so hinarang ko siya sa pinto. Kulang na lang maglumuhod siya. Tamang-tama, nagpasukan na ‘yung hosts, kaya tinanong ko, ‘O, kakilala n’yo ba ‘to?’ Hindi raw.”

Totoong walang pinipiling panahon kapag gumana na ang kalikutan ng kamay, pero mas nagiging talamak ang krimeng ito dahil magpa-Pasko.

Sorry, but we don’t buy such a flimsy excuse na mahirap ang buhay.

Oo nga’t times are hard, pero hindi sinasabing para gumaan ang pamumuhay ng isang salat sa pera ay kailangang magnakaw!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …