After ng teleseryeng “Pure Love” na humataw nang husto sa ratings. Ang shooting ng MMFF entry movie nilang Praybeyt Benjamin 2 ang pinagkakaabalahan ngayon ni Alex Gonzaga na nurse ni Bimby ang role ng young actress/host sa pinagbibida-hang pelikula ni Vice Ganda. Kasama rin nila rito si Richard “Ser Chief” Yap. At kung bongga na ang career ni Alex pagkatapos niyang magbalik Kapamilya. Next year ay asahan ng kanyang fans, na mas marami pa siyang magagandang project na gagawin sa kinabibilangang network. Ilan sa naka-line up na nakatakdang gawin ni Alex ang teleserye sa Dreamscape Entertainment na pinagpipilian pa kung sino ang magiging kapareha. May movie rin siya sa Star Cinema at showdown concert with her sister Toni Gonzaga sa Smart-Araneta Coliseum. Hindi lang ‘yan, may sarili na rin libro si Alex na ang title ay “Dear Alex break na kami Paano?! Love Ca- therine” na we heard, isa sa top-sellers sa National Bookstore. Magiging part na rin ng MOR 101.9 family ang batang Gonzaga at magkakaroon siya ng Reality show rito na ang tentative title ay “The Alex Gonzaga Show” at every Sunday raw ito mapapakinggan. O di ba? humahabol na si Alex sa pagiging multimedia star ng kanyang Ate Toni. Well may “K” naman ang actress gyud!
ni Peter Ledesma
Check Also
Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig
MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …
TV5 tinapos deal sa ABS-CBN
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …
Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia
MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …
Catriona Gray malamig ang Pasko
MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …
Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na
ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
