Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sobrang taas ng port charges connected sa fund raising para sa 2016 Elections?

00 Palipad hangin Arnold ataderoSANG-AYON sa grapevine sa Aduana, ang hindi matigil-tigil na pagtaas ng shipping charges, trucking fees at marami pang hindi control na gastusin sa two Manila ports (MICP at PoM) na lubos na idinadaing ng mga negosyante, broker at importer, ay may kinalaman daw sa darating na 2016 presidential elections.

Sa totoo lang halos sampung doble na ang itinaas ng pag-arkila palang ng container van na ari ng mga shipping lines na nagta-transact sa Bureau of Customs, ang domino effect nito ay tama sa trucking fees, pagkaantala ng release sa customs ng mga kargamento (sa halip na two to three days umaabot ng one week dahil sa hindi mapigil-pigil na port congestion problem).

Sang-ayon sa grapevine, umaabot sa P40-million bawat araw ang kinikita ng mga checker ng shipping lines sa pag-iipit lang ng mga container van. Balita hindi bumababa sa P2,000 bawat container na umaabot sa 2,000 daily. Isipin na lang kung gaano kalaki ang napupunta sa mga checker. Sa trucking iyong dating P7,000 bawat hakot umaabot na ngayon five or more times.

S’yempre iyong mga importer, itataas din nang sagad-sagad ang presyo ng Kanilang paninda upang makabawi ng kapital. Ang pobreng si Huwan Pasang Krus ang papasan ng hirap at mahal ng mga commodity mula sa ibang bansa. Kung naalala natin umabot hanggang P300 bawat kilo ng bawang ang tumama sa atin.

May ginawa ba ang pamahalaan? Mayroon pulos miting sa iba’t ibang 4-star hotel upang hanapan ng solusyon ang kanser na sakit ng port congestion sa PoM at MICP. Hindi pa kasama ang nawawala sa atin nang dahil sa nakalolokong traffic congestion sa Maynila.

Mismong si Cabinet Secretary Jose Almendras ang inutusan ni Pinoy na alamin ang sanhi ng sakit na kanser na port congestion. Nasabi ni Almendras na ang lagayan (kotongan) ay kasali ang mga taga-customs, mga personero ng arrastre firm, checker ng shipping company, ultimong sekyu na nakabantay sa mga gate ng pier.

Kung tutuusin, kayang maresolba ang problema kung may balls ang mga nasa Palasyo. Isang executive order marahil masusugpo ang talamak na kotongan sa ating pier.

Pero sang-ayon sa intelligence info ang situation ay tila deliberate dahil naging traditional na hingan ng quota ang shipping lines, port operators (arrastre firm) at mga importer ng pondo para sa political campaign sa 2016. Kung aaing lilimiin, iyong nasa poder na administration ang magiging suspect natin.

Natatandaan natin na noong time GMA, hiningan ng quota ang so-called players sa customs (ten lahat sila na pinag-produce ng P30,000 bawat container). The alleged “pledging session” then was all about that particular presidential polls sa bansa.

Sa mga ten players na tinokahan ng P300-million, open sa kanila ang Bureau of Customs. At iyong mga player nag-deliver. Ang tanong, gaano karami ang ipinarating nila? S’yempre sobra-sobra sa quota para sa kanila.

Ngayong araw na ito (Nov. 17) may Summit na magaganap sa Manila Hotel buong araw hosted by the Port Users Confederation (PUC), umbrella organization ng may 20 other organizations na naghahanapbuhay sa bureau. Ito raw ay upang marinig ang mga hinaing, solution, etc., sa mga dadalo.

Abangan natin ang resulta. Pero kami, mayroong bet — malabong matigil ang kotongan dahil sa 2016 elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …