Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Outsiders’ sa Veterans Bank, kinuwestiyon ni Montano

111714 veterans bankKINUWESTIYON ni retired Maj. Gen. Ramon Montano ang pagpayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. sa maanomalyang pag-iisyu ng shares of stocks sa mga hindi kuwalipikadong indibidwal at pagkakahalal nila sa Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB).

Nilinaw ni Montano na dapat pangalagaan ni Tetangco ang nakasaad sa batas na tanging ang mga beterano at ang kanilang mga asawa at anak ang maaaaring mag-ari ng shares of stock sa PVB at sinampahan na nila sa Veterans Federation of the Philippines (VFP)  ng Plunder sa  Office of the Ombudsman ang mga nagkasalang opisyal ng VFP sa ilalim ni ret. Col. Emmanuel de Ocampo na halos 30 taong presidente ng pederasyon.

Nitong nakaraang Setyembre 18, sinuportahan naman ng mga charter members ng VFP at mga lider ng mga samahang beterano sa pangunguna ni Defenders of Bataan and Corregidor Inc. National Commander Atty. Rafael Evangelista ang pagkilos ni  Secretary of National Defense Voltaire Gazmin para sa kinakailangang reporma sa VFP sa pamamagitan ng bagong constitution and by-laws (CBL).

Ayon naman sa anak ng beteranong si  Carling Galvez  ng Bulacan, napansin nilang naghihinay-hinay  si Sec. Gazmin sa kaagad pagpapatupad ng bagong CBL upang mabigyan ng pagkakataon ang grupo ni De Ocampo na maipaliwanag ang mga isyu at maharap nila ang kasong Plunder sa Ombudsman.

“Mas importanteng isyu sa PVB kung ano ang nangyari sa 20 porsiyentong net income na napunta  sa Board of Trustees of Veterans of World War II (BTVWWII) na chairman si Col. Emmanuel de Ocampo,” ayon kay Cecilio Galvez. “Walang malinaw na accounting kung ano ang nangyari sa pondo at may pagsisiyasat na sa Kongreso kaugnay ng mahigit P900 milyong na-remit sa grupo ni De Ocampo.”

Bukod kay Evangelista, lumagda sa manipesto ng buong pagsuporta kay Gazmin sina PEFTOK Veterans Association Inc. president ret. Col. Paterno Viloria, USAFIP-Northern Luzon president Brig. Gen. Arnulfo Banez, Magsaysay Veterans Legion president Cmdr. Ricardo Madayag, Gold Star Mother and United Widows and Orphans Association of the Phils. Col. Juanito Recio, AFP Retired Veterans Association president  ret. Col. Simplicio Duque, Philippine Vetrans Legion president Capt. Marlon Dantes and Fil-American Irregular Troops, Inc. Veterans Legion national president Cmdr. William Pasiwen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …