Saturday , November 23 2024

Eskedyul ni Pope Francis inilatag na

111314 pope francisINILATAG na ng Vatican sa pamamagitan ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Filipinas, ang opisyal at detalyadong mga aktibidad ni Pope Francis sa pagbisita niya sa bansa mula Enero 15 hanggang 19, 2015.

Humarap sa isang press conference nitong Biyernes ng gabi ang mga opisyal ng Simbahan sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasama rin sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., at Communications Secretary Sonny Coloma para sa panig ng gobyerno.

Batay sa buong itinerary ng Santo Papa, Enero 15, Huwebes, 5:44 p.m. ang nakatakda niyang pagdating sa Maynila.

Dakong 9:15 a.m. sa Enero 16, Huwebes, ay magsasagawa ng courtesy call sa Malakanyang; 10:15 a.m., makikipagkita sa ibang opisyal ng gobyerno at miyembro ng diplomatic corps; 11:15 a.m., Santa Misa kasama ang mga obispo at pari sa Katedral ng Maynila. At 5:30 p.m. pulong kasama ang mga pamilyang Filipino sa Mall of Asia Arena.

Habang sa Sabado, Enero 17, dakong 8:15 a.m. pag-alis sa Maynila patungong Tacloban City; 9:30 a.m. pagdating sa Tacloban City; 10 a.m. Santa Misa malapit sa Tacloban Airport; 12:45 p.m. pananghalian kasama ang mga biktima ng pananalasa ni super typhoon Yolanda sa Archbishop’s Residence sa Palo, Leyte; 3 p.m. pagbabasbas sa Pope Francis Center for the Poor sa Palo, Leyte; 3:30 p.m. pulong kasama ang mga pari, seminarista, relihiyoso, at mga pamilyang nakaligtas sa Yolanda sa Katedral ng Palo; 5 p.m. pag-alis sa Maynila; at 6:15 p.m. pagdating sa Maynila

Sa Enero 18, Linggo, 9:45 a.m. pulong kasama ang iba’t ibang lider ng mga samahang panrelihiyon sa Pontifical University of Sto. Tomas sa Maynila; 10:30 a.m. pulong kasama ang mga kabataan sa sports field sa UST; at 3:30 p.m. Santa Misa sa Rizal Park sa Maynila.

At sa Enero 19, Lunes, 9:45 a.m. Departure ceremony sa presidential pavillion sa Villamor Airbase sa Pasay City; 10 a.m. pag-alis patungong Roma; at 5:45 p.m. inaasahang pagdating sa Roma.

Nagdesisyon ang Santo Papa na bumisita sa Filipinas makaraan mabalitaan ang matinding dinanas ng mga Filipino sa naganap na bagyo at lindol.

Si Pope Francis ang ikatlong Santo Papa na makabibisita sa bansa. Una nang dumalaw sa Filipinas si Blessed Paul VI at Saint John Paul II.

Pang-unawa, kooperasyon sa Pope Visit (Panawagan ng Palasyo)

NANAWAGAN ng pang-unawa at kooperasyon ang Malacañang sa mga maaapektohang kababayan sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19, 2015.

Inaasahan ang matinding trapiko sa araw ng pagdating ni Santo Papa lalo pa’t tiyak na dudumugin o sasadyain ng mga mananampalataya.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, umaapela sila ng pang-unawa at kooperasyon sa lahat ng mamamayan para sa ligtas at mapayapang pananatili ng Santo Papa sa bansa.

Ayon kay Valte, walang matinong tao ang maghahangad o magnanais ng kapahamakan o aberya sa biyahe ni Pope Francis lalo pa’t siya’y minamahal at kinagigiliwan sa buong mundo.

Ang biyahe ng Santo Papa ay maituturing na state at pastoral visit dahil bukod sa pagiging lider ng Simbahang Katoliko, siya rin ang head of state ng Vatican kaya gagawaran ng gobyerno ng kaukulang state honors at haharap kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Malacanang.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *