Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coach ng PBA D League sinibak


081114 PBA D League

TINANGGAL na ng Racal Motor Sales si Jinino Manansala bilang head coach ng Alibaba sa ginaganap na PBA D League Aspirants Cup.

Nagdesisyon ang pamunuan ng Racal na sibakin si Manansala dahil sa 0-3 na karta ng Alibaba sa torneo.

Papalit kay Manansala si Caloy Garcia na assistant coach ng Rain or Shine sa PBA at head coach ng Letran sa NCAA.

Dahil sa pagsibak kay Manansala ay tinapos ng Racal ang school tie-up nito sa St. Clare College sa National Athletic Association for Schools, Colleges, and Universities (NAASCU) kung saan head coach siya roon.

Dating nag-coach si Garcia sa Hogs Breath Cafe.

Samantala, lalaro na ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa para sa Cagayan Valley sa susunod na laro ng Rising Suns kontra Cafe France sa susunod na Huwebes.

Napili si Tautuaa bilang top pick sa D League rookie draft ngunit tinapos muna niya ang paglalaro sa Malaysia Dragons sa ASEAN Basketball League kung saan natalo sila sa finals kontra Hi Tech Bangkok City .

Si Tautuaa ay isa sa mga inaasahang magiging top pick sa PBA Rookie Draft sa 2015.

Nangunguna ngayon ang Rising Suns sa team standings ng Aspirants Cup na may tatlong sunod na panalo kasama ang Bakers at Hapee Toothpaste. (James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …