Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni at Alex; Juday at Ryan, magsasalpukan sa Star Awards for TV

ni Rommel Placente

072414 toni alex  gonzaga072914 juday ryan

PAREHONG nominado ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa kategoryang Best Comedy Actress sa darating na 28th Star Awards For TV na gaganapin sa November 23, 2014 sa Grand Ballroon ng Solaire, Resorts and Casino, Paranaque City .

Ang magsisilbing hosts dito ay sina Enchong Dee, Kim Chiu, at Maja Salvador.

Nominado si Toni para sa Home Sweetie Home, while si Alex ay nominado naman para saBanana Nite. O ‘di ba, magkalaban ang magkapatid sa nasabing kategorya?

Ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay magkatungali rin sa kategoryang Best Game Show Host. Nominado si Ryan para sa show niyang Picture Picture while ang misis niyang si Juday ay nominado naman para sa show niyang Bet On Your Baby na napapanood sa ABS-CBN 2.

Sino kaya ang papalaring manalo kina Toni at Alex at Ryan at Juday? O pare-pareho silang hindi papalarin na mag-uwi ng tropeo at ang isa sa mga kalaban nila ang mananalo?

‘Yan ang ating aabangan sa 28th Star Awards For TV.

Samantala, dalawang nominasyon ang nakuha ng aming hinahangaang aktres na si Maricel Sorianosa nasabing award-giving body. Nominado ang Diamond Star for Best Drama Actress para sa role niya bilang misis ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real. At nominado rin siya forBest Single Performance by An Actress para sa episode na Kulungan, Kanlungan ng Eat Bulaga Lenten Special.

Manalo kaya si Maricel kahit sa isang kategorya or wala siyang maiuuwi na trophy sa gabi ng parangal ng Philippine Movie Press Club?

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …