Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, hindi pa rin handang magka-anak

ni Roldan Castro

082314 Mariel Rodriguez robin padilla

NAKAKUWENTUHAN namin si Mariel Rodriguez sa taping ng Talentadong Pinoy ngTV5 na nagkaroon ng celebrity episode with Luningning, Patricia Javier, Aira Bermudez, at Sexbomb Singers (Louise Bolton, Dona Veliganio and Joyce Canimo).

Na-enjoy ba ni Mariel ang pagiging host ng Talentadong Pinoy na kasama ang kanyang mister na si Robin Padilla?

“Oo, na-enjoy naman. Masaya. Kasi nagkaroon kami ng magandang work division. ‘Yung nahimay ‘yung trabaho ..ng alam mo ‘yung role mo. At naaliw ako kasi isang magandang blessing si Tuesday (Vargas) kasi nakatatawa siya talaga, ang bilis ng utak niya, iba rin talaga ‘yung matalino.

“Matalino si Tuesday, eh, hindi lang siya komedyante, matalino siyang komedyante. So, intellectual ‘yung mga joke niya.

“Si Robin (Padilla) alam niyon nakatutuwa siya, kasi alam mong game siya at, feeling ko, parang noong pumasok siya sa ‘Talentadong Pinoy’, talentadong Pinoy siya. Pero ngayon, parang Robin na Robin na siya. Alam mo ‘yun, iba rin ‘yung markado na iniiwan ni Robin.

“Ito pala ‘yung sinasabi nila. Ganoon pala ‘yun.”

Mas lalo ba siyang naging mahusay na host dahil matalino si Tuesday na kabatuhan?

“Masarap siyang kabatuhan, oo. Siguro hindi naman magandang sabihin na ‘ay gumaling ako dahil kay’…’di ba? Siguro ano, mas nagiging komportable at nare-relax pa nga ako, eh, kasi alam ko magagaling ang mga kasama ko. At ang magaling naman talaga rito, at the end of the day, ay ang mga talentadong Pinoy. Sila talaga ang magaling,” pakli pa ni Mariel.

Anyway, sa November 23 ay kaarawan ni Robin. Magkakaroon ng celebration saTalentadong Pinoy na napapanood tuwing Sabado, 7:00 p.m..

Magkakaroon ba ng malaking party?

“Wala eh, ayaw niya, eh. Ayaw ni Robin. Marami nga akong mga plano, eh. Ang balak ko magkaroon ng Katipunan Party. Lahat naka-Filipiniana. Noong sabihin ko sa kanya, ayaw niya.

“Ayaw niyang mag-party. Ayaw niya raw ng ganoon. Ang sabi niya, ang pa-partihan daw namin ay si Andres Bonifacio. Sabi ko, ‘Ewan ko ba riyan sa mga gusto mo.’

“Siyempre siya ang masusunod dahil ‘yun ang gusto niya at birthday, ‘di ba?Alangan namang ipilit ko, eh, ‘yun ang gusto niya. Si Andres ang bida ngayon, walang iba,”bulalas pa ni Mariel.

Samantala, gusto na ba niyang magka-baby sila ni Binoe dahil four years na silang kasal?

“Hindi pa siguro… pero siguro..pero hindi pa. Kasi may mga time na iniisip ko, ‘Sige na nga. Gusto ko.’ ‘Tapos may times na, katulad niyan, yung isang ate ko nanganak. So, hinawakan ko ‘yung bago niyang baby, inamoy ko, ang bango ng baby. ‘A, parang gusto ko!’ Right noong araw na ‘yun mismo. Sabi ng ate ko na samahan ko ‘yung isa niyang anak, may ballet, so pinuntahan ko sa bahay, sinundo ko. eh, nag-tantrums. Hindi ko alam anong gagawin ko. Ay, sabi ‘ata ni ‘Lord, A, gusto mo ba talaga?’ So, after niyon, sabi ko, ‘Ayoko na po ulit.’

“Kasi one day, that same day, so parang feeling ko, ‘di ko pa alam, hindi ko pa alam anong gagawin ko kapag nag-tantrums,” sey pa ni Mariel.

Dapat daw ay kinantahan niya ‘yung bata para mawala ang tantrums.

“Naku, baka bangungutin lalo ‘yung bata,” sagot niya sabay tawa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …