Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Disqualification case vs Erap ‘niluluto’ ng SC (Giit ng CoWAC)

1111414 DQ ERAP“LUTO! LUTO! LUTO!”

Ito ang sigaw ng  isang grupo ng kakabaihan na Coalition of Women against corruptions (CoWAC) nang lumusob sa harap ng Korte Suprema upang kondenahin ang mabagal na pagdedesisyon ng Kataastaasang Hukuman sa disqualification case na isinampa laban sa napatalsik na pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang grupo ng CoWAC ay pawang mga nakasuot ng orange na belo, at nakamaskara ng mga mukha nina Estrada, Manila City Assistant Administrator Wryan Te at SC Spokesman Atty. Thedore Te, habang ang isa ay may maskara ng mukha ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, habang nagluluto sa harap ng malaking kawa.

Ayon kay CoWAC National Chairperson Susing Dela Cruz, ang kanilang programa ay bilang pagkondena sa animo’y ‘luto’ na pagkilos ng Korte Suprema makaraan nilang patulugin na parang mantika ang disqualification case ni Estrada sa kanilang mesa.

Nababahala rin ang grupo ng mga kababaihan na baka mauwi sa ‘luto’ ang desisyon ng Korte Suprema, dahil sa ngayon isa sa mga tauhan ni Estrada sa Manila City hall ang anak ni Supreme Court Spokesman Atty. Thedore Te na si Manila City Assistant Administrator Wryan Te.

“Paano namin masasabi na patas ang magiging hatol ng Korte Suprema, gayong ang anak ng tagapagsalita ng SC ay nagtratrabaho kay Erap?”

“Kung si Te ay nakikinabang na kay Estrada, baka naman nakikinabang na rin ang Korte Suprema?” pagtatanong pa ni Dela Cruz.

Kinondena rin ng CoWAC ang mabagal na pagtugon ni Chief Justice Sereno na lalong nagpapalalim sa kanilang duda na baka may usapan kung kaya inabot ng ilang taon ang kaso sa kanilang mesa.

“Sana hindi totoo, sana hindi nababayaran ang ating Chief Justice. Naniniwala pa rin kami sa Hustisya na paiiralin ng Korte Suprema. Kaya kami narito sa harap ng Supreme Court kasi baka natutulog lang sila at kailangan nilang gumising,” saad ni Dela Cruz.

Ang grupo ng CoWAC ay ilan lamang sa dumaraming mga grupo na nanawagan sa Korte Suprema na desisyonan na ang disqualification case ni Estrada.

Una nang umaapela sa Korte Suprema ang mga grupo ng Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP) at ang Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKK). Sumama  na rin sa panawagan ang grupo ng mga abogado na Hukuman ng Mamamayan Movement, Inc. (HMMI) na nagtirik pa ng kandila sa harap ng Kataastaasang Hukuman.

Bong Son

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …