Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, 2 buwang naghanda para sa San Pedro Calungsod The Musical

111114 gerald pedro calungsod

00 SHOWBIZ ms mFIRST choice si Gerald Santos Red Life Productions nina Ms. Bem Red Reyes at Loven Red para gumanap sa San Pedro Calungsod The Musical.

Napanood namin ang premiere nito noong Nov. 10 at talaga namang humanga kami sa ganda ng boses ni Gerald bukod pa sa napakalinaw ng mga linyang binibitawan nito.

Hindi biro ang mga kinanta ni Gerard sa musical play na may 15 kanta bukod pa sa apat na original at solo song ni Gerard.

Aminado si Gerald na mahirap ang musical play. ”Yes, mahirap kasi ibang klase itong production namin this time. Talagang grabe, kompleto sa props, kompleto sa visual, graphics, at ‘yung intensity ng script nito na ginawa ng manager ko—Doc Rommel Ramilo—na siya ring director ng play, sobrang ganda, talagang nabigyan ng buhay ‘yung buhay po ng ating pangalawang Santo,” ani Gerald.

Ginastusan talaga ang play na ito. Nag-shoot pa si Gerald ng underwater para ipakita ang pagkamatay ni San Pedro Calungsod na itinapon sa dagat. Ang tagpong iyon ay napanood sa actual show nang pinatay na sila.

“First time kong gawin ‘yung underwater scene. Nag-training muna ako kay Direk Jess Lapid Jr. Ang sarap. Noong una nakatatakot kasi 20 feet, ganoon kalalim ‘yung paghuhulugan sa akin, so, kailangan i-dive ko muna ‘yun, ma-praktis ko na mapunta sa ilalim at doon lang ako kukuha ng oxygen,” paglalahad pa ni Gerald.

Sa Anilao, Batangas kinunan ang underwater scene.

Gumanap din si Shyr Valdez bilang ina ni Gerald sa play. Maraming iyakan sa eksena nila habang kumakanta.

Ayon sa producer na si Ma’am Bem, iikot ang play na ito sa mga Catholic school sa buong Pilipinas lalo na sa parte ng Mindanao at Visayas.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …