Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relax, It’s Just Pag-Ibig, Rated A ng CEB

110414 relaks pagibig

00 SHOWBIZ ms mHINDI kataka-taka kung Rated A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Relax, It’s Just Pag-Ibig ng Spring Films at ipinamamahagi ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Inigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada.

Simple at feel good movie ang Relax, It’s Just Pag-ibig na ukol sa mga tin-edyer na naghahanap ng kasagutan ukol sa nakitang sulat ni Sofia na naglalaman ng pagmamahal nina Elias at Salome.

Magagaling ang apat na bagets na bida kasama si Ericka Villongco considering na baguhan lamang sila.

Sa premiere night ng pelikula, maganda ang response ng audience na talaga namang humahagalpak sa tawanan sa mga kuwelang eksena ng apat. Nabigyan nila ng justice ang mga role na ibinigay sa kanila.

Samantala, matagumpay ang premiere night na dinaluhan ng mga kamag-anak ng mga bida. Nakita naming nanood ang dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada gayundin ang ina ni Julian na si Precy, Piolo Pascual, direk Joyce Bernal at marami pang iba.

Nakatitiyak akong maraming teen-ager ang makare-relate sa pelikulang ito at kahit may edad na tiyak na mag-eenjoy sa Relax, It’s Just Pag-ibig. Kaya watch na kayo peeps kung gusto ninyong maaliw.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …