Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo, patitigilin si Sofia sa pag-aartista (Para magkaroon daw sila ng privacy…)

ni Alex Datu

110414 iñigo sofia

TOTOO kaya ang tsika sa amin ng isang reliable source na magsyota na sina Iñigo Pascual at Sofia Andres at matagal na raw ang relasyon ng mga ito? Kahit tapos na ang shooting ng kanilang pelikulang Relax, It’s Just Pag-ibig ay ay tuloy-tuloy daw ang pagde-date ng dalawa kaya kinompirma nito na mag-on na ang dalawa.

Aba, pati si Madam Suzette Madam Arandela, kilalang international psychic at feng shui consultant ay nag-PM via FB na ‘mayroon na’ at bakit pa lalayo, mismong si Julian Estrada na isa rin sa mga bida ng pelikula ang nagsabing ‘may something’ ang dalawa. Pero may tatalo pa ba sa pag-amin mismo ni Sofia ng ’Yes!’ nang tanungin siya kung gusto ba nitong maging boyfriend ang binata ni Piolo Pacual?

Halata ang pamumula ni Inigo, ‘ika nga, speechless habang nakayuko, hindi makatingin ng diretso sa audience lalo na sa press at patingin-tingin na lang kay Sofia na kung ano man ang facial expression na nakita sa kanya ng kanyang leading lady ay sila na ang nagkaintindihan. Relax lang Inigo, it’s just pag-ibig ha ha…may konek talaga ‘di ba maganda kong editor Maricris?

Ano kaya ang reaksiyon dito ni Piolo na mas naunahan pa siya ng kanyang anak na magkaroon ng GF na ang usapan nila noon, hindi muna magsosyota ang ama hanggang hindi pa mag-18 ang anak? Pero heto, sobrang na-link ang anak sa kanyang leading lady na may nagsasabing syota na nito, lihim nga lang.

Sa interbyu kay Inigo tungkol sa tsika, inamin nitong nagrerespetuhan sila at naiintindihan nila ang bawat isa pero hindi pa sila umabot doon sa pagiging magsyota. Aniya, ”We respect with each other. We understand each other na nothing official yet. No official commitment kami with each other,” ang kanyang mga unang pahayag tungkol sa closeness nito sa kanyang leading lady.

“We’re closer than friends,” dagdag pa nito. ”We have this special relationship. We have this bonding na we both know na there’s something. But we we’re still young. We should not focus on that kind of stuff yet. We’re not focusing on that. We’re not making it a priority but we both know where we stand.”

Alam ni Piolo na may ka-MU ang kanyang anak na ang balita pa ay siyang pumili kay Sofia para sa pelikula, kaya palagi nitong pinaaalalahanan, not to take things seriously dahil mga bata pa sila. Kaya lang, parang hindi masusunod ang plano ng aktor sa kanyang anak na hanggang isang pelikula muna ito at balik-eskuwelahan dahil may alok ang Viva Films sa kanya for next year’s viewing.

“Depende sa mga offer na darating sa akin. Sasamantalahin ko ang lahat ng oportunidad. Hindi ko ito plano at hindi ko rin ito pababayaang makawala. But I promised Dad to finish my study and I will do it,” pahayag nito.

Inamin ng binatang aktor na crush niya si Anne Curtis dahil sa kaseksihan nito. Hindi raw nito nasabi sa aktres pero para sa kanya, hindi na kailangan malaman dahil darling of the masa naman daw ito. Crush din nito si Maja Salvador at pati si hot mom Denise Laurel ay kasama sa crushes niya, ”I find her very attractive girl,” say nito.

Kaya lang, inamin ng aktor na para sa pang-lifetime partner ay mas gusto niya ang non-showbiz dahil may privacy ito. Kaya lang may nagtanong na hindi si Sofia ang kanyang makakatuluyan.”Paalisin ko siya sa showbiz,” agad nitong sagot na ayon sa kanya, kailangan nitong umabot ng 25 para pag-isipan ang pag-aasawa.

“I want to be married from 25 to 30, I want to meet the right person, right decision.”

Crush din ni Inigo ang kanyang next leading lady na si Julia Barretto at ayon sa kanya, ”I find her very attractive, too. Kaya lang brother ko si Julian. Hindi ko puwedeng gawin kay Julian, he’s my brother.”

Sa puntong ito, umamin naman ang binata ni Sen Jinggoy Estrada na naging mag-on sila ng aktres ng anim na buwan.

Kaya lang, nagkaroon kami ng pagkakataong magtanong-tanong kung in favor ba sila sa gagawing tandem nina Julia at Inigo, may ilang reporters at isang direktor ang hindi gusto na maging magka-loveteam ang dalawa after Inigo and Sofia dahil mabigat para sa kanila ang dating ng aktres.

Nararamdaman nila na masasayang ang umuusbong na karir ng aktor dahil baka madala pababa ito. Kung sabagay, kanya-kanya tayong opinyon.

Ayon naman kay Sofia , ”I feel happy for him (Inigo) na marami siyang work na matatanggap. I already accept na parang sila ang pinu-posh ng ABS-CBN. Julia Barretto is Julia Barretto. I’m not yet in that level and I hope naman, mag-work, I’ll be supporting them naman.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …