Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masayang-masaya na kapamilya na ulit ako — Jolina Magdangal


111214  Jolina Magdangal

00 Alam mo na NonieSOBRANG tuwa ni Jolina Magdangal sa kanyang pagbabalik sa ABS CBN.

Sa Kapmilya Network unang nabigyan ng break si Jolina nang maging bahagi siya noon ng Star Magic at lumabas sa Ang TV noong 1992.

Mula rito ay nagpatuloy ang pag-arangkada ng career ng singer/actress hanggang sa magkaroon na siya ng sunod-sunod na hit albums, maging bida sa TV, at pati na sa pelikula. Pagkalipas ng sampung taon ay lumipat siya sa GMA-7 at bumilang ng higit isang dekada (12 years), bago siya bumalik sa kanyang home studio.

Labis ang pasasalamat ni Jolens Kapamilya station dahil sa magandang project na ibinigay agad sa kanya. “Noong sinabi sa akin na babalik ako, sobrang saya ko na. Pero yung ibinigay sa akin, more pa. Tapos, binigyan nila ako agad ng project, ng napakagandang project. And because of this, I will be forever grateful and thankful sa ABS CBN.

“Masaya ako na nakabalik ako sa aking home studio. Madami akong na-miss na katrabaho. Masayang-masaya ako na Kapamilya na ulit ako,” paliwang ni Jolina.

Pumirma ng two-year contract si Jolens sa Dos at unang proyekto niya rito ay ang Flordeliza na muli niyang makakatambal ang dating ka-love team na si Marvin Agustin.

Gagampanan dito ni Jolens ang isang mapagmahal na ina at asawa, na may pagka martir. Bukod kina Jolina at Marvin, kasama rin sa Flordeliza sina Desiree Del Valle, Carlo Aquino, Tetchie Agbayani, Elizabeth Oropesa, at iba pa.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …