Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapayapaan at kaayusan sa ARMM, titiyakin ng DILG

111214 ARMM mapNagpahayag si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ng hindi mababagong pananagutan upang matiyak na mananatiling ligtas ang mga mamamayan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) mula sa terorismo at kriminalidad ng Abu  Sayyaff Group (ASG).

“Nakalulungkot ang naganap sa Basilan. At mas ayaw po nating may mga sibilyang madamay sa ganoong uri ng pag-atake ng Abu Sayyaff,” ani Roxas kaugnay sa pagtambang ng ASG sa ilalim ni Radzmi Jannatul na kumitil sa buhay ng anim na sundalong nagpapatrolya sa Sitio Mompol, Barangay Libug sa Sumisip, Basilan kamakailan.

Nauna rito, kinondena ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang karuwagan ng ASG at nagrekomenda ng “all-out offensive” laban sa mga grupong terorista sa pangunguna ng ASG.

“Hindi nagbubulag-bulagan  ang  DILG at ang Philippine National Police (PNP) sa ARMM. Magreretiro na sa Disyembre ang regional at provincial officers ng PNP at nakikipag-ugnayan tayo kay Gov. Hataman upang matiyak na ang bagong liderato ay episyente at epektibo laban sa kriminalidad,” diin ni  Roxas.

May ilang buwan nang nagpapatupad ng reporma si Roxas sa PNP sa pamamagitan ng “specific, measurable, attainable, replicable and time-bound” o SMART, ang bagong hakbang ng pulisya sa pagkuha ng information communication technology at data analytics sa pagsisikap na labanan ang kriminalidad na makapagdudulot ng malinaw at pangmatagalang resulta.

Maganda ang naging resulta ng SMART sa National Capital Region (NCR) at inaasahang ipatutupad ito sa lahat ng rehiyon sa lalong madaling panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …