Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ona ‘di na makababalik

111214 enrique onaMAGING ang Palasyo ay duda kung makababalik pa si Dr. Enrique Ona bilang kalihim ng Department of Health (DoH) makaraan ang isang buwan paghahanda sa paliwanag niya kaugnay sa sinasabing maanomalyang pagbili ng P800 milyong halaga ng pneumonia vaccine noong 2012.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson  Abigail Valte, ang pananatili bilang DoH secretary ni Ona ay depende sa isusumite niyang report kay Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa isyu ng pneumonia vaccine purchase.

”It would depend on his answers to the questions propounded by the President. Let’s allow him a fair shake at that,” aniya.

Isang buwan aniya ang hininging palugit ni Ona kay Pangulong Aquino para ihanda ang nasabing ulat.

Kamakalawa ay inamin ni Justice Secretary Leila de Lima na inutusan siya ni Pangulong Aquino noong nakaraang Hunyo na imbestigahan ang ulat na may iregularidad sa pagbili ng DoH ng P180 milyong halaga ng Pneumococcal Conjugate Vaccine 10 (PCV 10) noong 2012, taliwas sa rekomendasyon ng National Center for Pharmaceutical Access and Management  na PCV 13 ang bilhin na mas maraming tao ang mababakunahan.

Kasama rin, ani De Lima, sa iniimbestigahan bilang isa sa sabit sa anomalya si Assistant Secretary Eric Tayag.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …