Friday , May 3 2024

Bangkay ng tiger shark itinapon sa dagat (Takot sa malas)

111214_FRONTBUTUAN CITY – Sa pag-aakalang malas ang dala ng nahuling tiger shark na natagpuang may mga buto ng paa at bungo ng tao, itinapon ito ng nakapulot na mga mangingisda pabalik sa dagat at kinuha lamang ang panga ng pating na may bigat na 300 kilos.

Ayon kay Budoy Gurgod, ng Punta Villa, Surigao City, ang nasabing pating ay nalambat nila sa karagatang bahagi ng Camiguin at Bohol islands at nang makompirmang patay, pinutol nila ang ulong bahagi ng pating at itinapong muli sa dagat ang katawan nitong may lamang mga buto ng tao.

Inilibing nila ang buto ng panga at muling hinukay upang may ebidensiya sa malaking bibig ng pating nang sa gayo’y masukat kung gaano kadali para sa naturang pating ang paglamon ng tao.

Hinala nila, posibleng isa sa mga hindi pa nakitang pasahero ng lumubog na MV Maharlika Dos ang kinain nitong tao.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *