ANG simbolikong presensya ng mga paniki ay ginagamit sa maraming Chinese homes, kasama ng iba pang feng shui fortune symbols ng yaman at paglago.
NAIS mo bang gumamit ng Bat Feng Shui Symbol sa inyong bahay? Sa classical feng shui applications, ang paniki ay ikinokonsiderang simbolo ng paglago at yaman.
Ang paniki ay ikinokonsiderang maswerteng classical Chinese feng shui symbol para sa pag-unlad. Gayunman, ang simbolo ng paniki ay bihirang gamitin sa Western world feng shui applications.
Ang feng shui symbols ay malalim na konektado sa culturally specific symbolic level, ang ibig sabihin, kung pipili ka ng simbolo ng feng shui cure, ito ay ayon sa kahulugan nito para sa iyo, at hindi ayon sa kahulugan nito sa feng shui books.
Sa classical feng shui applications, ang paniki ay ikinokonsiderang symbolo ng yaman at ginagamit bilang wealth cure dahil ang word/pronunciation ng Bat – “Fook” ay “prosperity” ang kahulugan sa Chinese. Ang paniki ay simbolo rin ng kaligayahan, mahabang buhay, kaya naman ito ay maswerteng simbolo sa Chinese culture.