NAGTAKA SI DADAY KUNG SAAN KUMUHA NG PERA SI ROX PARA SA DATE NILA
“Gutom ako, kain muna tayo,” sabi ni Daday na tila naglalambing.
“Sige…” aniya sa pagtango.
“Du’n tayo, Manong…” pagtuturo ni Daday sa taxi driver sa direksiyon na gusto nitong patutunguhan.
Sa isang Chinese restaurant kumain sina Rox at Daday.
Naihatid na niya sa tinutuluyan silid-paupahan si Daday nang mag-usisa ito kung saan galing ang perang ipinangbayad niya sa kanilang mga kinain sa restoran.
“Tumama ako sa ending ng basketbol…” pagsisinungaling niya.
“Totoo ‘yan, ha?… Baka mamaya, e, gumagawa ka na pala ng kalokohan magkapera lang…” ang pag-aalala ni Daday. .
Nginitian niya si Daday at saka mabilis na kinabig sa kanyang dibdib. Kinuyumos niya ng halik ang bibig nito. Mariin iyon. Mandi’y nagbabaga ang kanyang mga labi. At nagpatibu-wal siya sa kutson ng kama na magkalapat ang mga katawan nila ni Daday. Ginanti nito ng mas nag-uumapoy na mga halik ang nag-aapuhap niyang mga labi. Nagusot ang kobre-kama sa paggulong-gulong nila. Pero pamaya-maya lang ang babae na mismo ang kumubabaw sa kanya. Sa gayong posisyon siya tinanggap nito sa paglasap ng pagkatamis-tamis na kaligayahan. At sa huling paghahabol sa tila-naghihinga-long hininga ay nakuha pa rin nilang ibulong sa isa’t isa:
“I love you, ‘Day…”
“I love you, too, Rox…”
Nag-aagaw-tulog si Rox nang maulinigan niya ang mahinang-mahinang pagsabay ni Daday sa awiting pinatugtog nito sa cellphone na itinabi sa unan. Pamilyar sa kanya ang himig ng kantang iyon pero hindi niya alam ang mga lyrics at pangalan ng singer niyon.
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay
Ayaw ni tito at ni tita
Mapili si ate pati si kuya
Strikto si lolo at si lola
Mag-aral raw muna (Itutuloy)
ni Rey Atalia