Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaseksihan ni Ellen, pinalakpakan

ni James Ty III

102814 Ellen Adarna

MULA noong lumipat siya sa ABS-CBN, lalong dumami ang mga project ni Ellen Adarna.

Pagkatapos ng kanyang pagiging bida sa Moon of Desire, sumunod ang isang malaking endorsement at pagiging calendar girl ng sikat na alak na Ginebra San Miguel.

Katunayan, bahagi ng kanyang endorsement ang pagiging muse ng Ginebra basketball team sa PBA opening sa Philippine Arena sa Bulacan.

Isa si Ellen sa mga sexy star na binigyan ng masigabong palakpakan sa harap ng mahigit na 50,000 kataong nanood ng laro sa bagong stadium ng Iglesia ni Cristo.

At kahit kasabay niya ang mga mas may asim na sina Sunshine Cruz at Alice Dixson ay hindi nagpahuli si Ellen sa kanyang suot na pulang damit sa opening ng basketball.

“It was fun because it’s my first time. It’s great. I’m just grateful to be chosen as their muse,” sabi ni Ellen. ”And since I’ll be endorsing Ginebra, it’s a good start.”

Dating naging endorser ng Ginebra sina Marian Rivera, Solenn Heussaff, at Georgina Wilson kaya umaasa si Ellen na magiging maganda ang kinalabasan ng 2015 na kalendaryo niya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …