Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo at Maricar, dadalo sa Coronation ng Miss Silka Philippines 2014

110814 Piolo Pascual Maricar Reyes

DALAWAMPU’T PITONG nagggagandahang dilag ang maglalaban-laban bilang Miss Silka Philippines 2014: Gandang Pilipinas, Kutis Alagang Silka ngayong Linggo, Nobyembre 9, 4:40 p.m. sa Activity Center ng Market Market ng The Fort, Taguig City.

Tiyak na lalo pang magniningning ang coronation night ng Miss Silka Philippines 2014 na binuo ng Cosmetique Asia Corporation, makers ng Silka skin care products at creative team ng Cornerstone Events dahil dadalo sa koronasyon si Richard Poon na siyang manghaharana kay Miss Silka Philippines 2011 Vianca Marcelo sa kanyang farewell walk.

Sina Piolo Pascual at Gretchen Ho naman ang magsisilbing host at parte ng official board of judges ang Cornerstone Entertainment’s president and managing director na si Erickson Raymundo at aktres na si Maricar Reyes Poon.

Sino kaya ang mapipiling ambassador for beauty ng Silka skin care? Saang probinsiya kaya ito magmumula—Luzon, Visayas o Mindanao? ‘Yan ang ating aabangan sa pagrampa nila sa Linggo.

Ang timpalak pagandahang ito ay mula rin sa tulong ng Imperial Palace Suits, Datamex, Fashion Institute, Plaza Ibarra, Today’s Water, Market Market at Ayala Malls.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …