Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bidding-biddingan ‘di na uubra sa ‘Yolanda’ projects — Lacson

102614 pingHINDI uubra ang “bidding-biddingan” sa mga proyektong ipatutupad para sa pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Batay sa 33-pahinang “One Year After Yolanda” press briefer na inilabas ng tanggapan ni Presidential Adviser on Recovery and Rehabilitation (OPARR) Panfilo Lacson, ang transparency sa prosesong pagdaraanan ng lahat ng rehabilitation projects ang isa sa kanilang prayoridad.

Aniya, itong OPARR ay upang maiwasang mapunta sa korupsiyon ang P167.9 bilyong  halaga ng 25,000 programa at proyekto na nakapaloob sa Yolanda Comprehensive Recovery and Rehabilitation Plan (CRRP).

Sa inilunsad na website ng PARR na Electronic Management Platform Accountability and Transparency Hub for Yolanda (EMPATHY) ay nakasaad ang “real-time updates” sa rehabilitation projects gaya ng kung sino ang bidders at nanalo sa bidding, kailan ini-award at sinimulan, ano ang status at kailan matatapos ang proyekto.

Aminado si Lacson na isa rin sa inaasahang hamon ay ang kultura ng palakasan sa burukrasya sa bansa kaya bumabagal ang implementasyon ng rehab projects.

Kaya paalala niya sa mga opisyal ng pamahalaan, maging maingat sa pagtupad ng tungkulin dahil posible silang masampahan ng kaso kapag nabuko sa audit at isusumiteng ulat na may nilabag na batas.

Sa Lunes ay inaasahang ihahayag ni Lacson ang kanyang “State of Yolanda Address.”

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …