Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Magaan ang pakiramdam sa maliwanag na lugar

Light Bulb
ANG pamumuhay sa “rooms full of light” ay hindi lamang tungkol sa pagbubuo nang maliwanag na kapaligiran sa inyong bahay. Mamuhay nang bukas ang isipan upang inyong makita ang mga oportunidad at maging handa sa pagtanggap sa mga ito upang mapagbuti ang inyong buhay.

 

00 fengshuiAYON sa sinaunang Romanong manggagamot na si Aulus Cornelius Celsus, “Mamuhay kayo sa kwartong puno ng liwanag.” Si Celsus ay doktor at author na nagsulong ng diet, exercise, massage at natural healing.

Ang kahalagahan ng pamumuhay sa kwartong puno ng liwanag ay pilosopiyang ibinahagi ng sinaunang Chinese na gumamit ng Feng Shui para sa magandang swerte – at ito ay umuubra pa rin hanggang ngayon.

Paano ka mamumuhay sa kwartong puno ng liwanag, physically and metaphorically?

*Pumili ng maliwanag at makukulay na ilaw para sa dingding ng bahay, lalo na sa entryway. Ang maliwanag na entryway na pinintahan ng tones ng eggshell white, beige or pastels ay makatutulong sa pagsalubong sa oportunidad sa iyong bahay at buhay.

*Samantalahin ang natural light. Buksan ang blinds sa south-facing windows sa umaga upang masalubong ang natural sunlight. Higit kang magigising at handang harapin ang ano mang hamon ng araw.

*Palakasin ang specific trigrams ng Ba Gua, gayundin ang hagdanan at iyong entrance, ng LED lighting. Ang recessed LED lighting ay nagbibigay ng bright glow ngunit matipid sa koryente kaysa incandescent bulbs.

*Ikonsidera ang pagkakabit ng ilaw sa motion sensor upang sa iyong pagdating ito ay magliliwanag sa dakong gabi. Agad mong mararamdaman na ikaw ay welcome sa iyong bahay – gayundin ang mga bisita – na magbubuo ng positibong chi sa kapaligiran.

*Mamuhay sa sandali. Ang pamumuhay sa “rooms full of light” ay hindi lamang tungkol sa pagbubuo ng maliwanag na kapaligiran sa inyong bahay. Mamuhay nang bukas ang isipan upang inyong makita ang mga oportunidad at maging handa sa pagtanggap sa mga ito upang mapagbuti ang inyong buhay.

 

 

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …