Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging natural na komedyante ni Matteo, mapapanood sa Moron 5.2: The Transformation

ni Ambet Nabus

110514 Moron 5 2

PINAGLARUAN nina Matteo Guidicelli, Billy Crawford, at Luis Manzano ang kanilang mga sarili sa kabuuan ng pelikulang Moron 5.2: The Transformation na palabas na sa mga sinehan.

Pero bago pa man kayo magulat, it was done in a very humorous and funny way lalo pa’t sanay na sanay na sa mga private joke ang tatlo, plus sinakyan naman ng todo nina Marvin Agustinat DJ Durano, bilang dalawa pa nilang kasama sa movie.

Grabe ang tawa namin sa pagiging natural na komedyante ni Matteo na tipong kahit siya ay hindi niya marahil alam na nakatatawa siya by just being there or by simply reacting na akala siguro niya ay “arte” na pero natural na natural ang rehistro sa screen.

No wonder na sinasabi nina Billy at Luis na super nilang pinaglaruan at halos na-bully sa shooting ang guwapong aktor na may nakaaaliw na take bilang nagkagusto sa isang gaya ni Joy Viado bilang si Sarah Joy.

Sobra rin ang halakhak namin sa eksenang paulit-ulit niyang kinantiyawan si Billy ng salitang “presinto” habang ‘yung antics ni Luis bilang magaling na host ay lutang na lutang din sa movie.

We dare say na mas natawa kami sa mga eksena ng limang morons dito kompara sa first movie nila. Kuwela rin ang support ng mga leading ladies nila pati na ‘yung mga gumanap nilang mga anak, plus of course John Lapus and his wards.

Kung comic relief, mga nakatatawang hindi nagmamarunong o nagtuturo para maging matalino, at mga simpleng eksena na aliw lang ang peg, gorah, panoorin at eenjoy ang Moron 5.2. Sa lakas ng kantiyaw ng co-actors ni Matteo na ito ang sisihin nila kapag hindi kumita ang part two, tiyak naming kikilos ang mga kapwa-Popsters para suportahan ang napakahusay at guwapong aktor hahaha!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …