Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanduay handang tibagin ang Hapee

00 SPORTS SHOCKED

SISIKAPIN ng Tanduay Light na alisin ang kinang ng Hapee Fresh Fighters sa kanilang duwelo sa 2014-15 PBA D-League Aspirants cup mamayang 4 pm sa Ynares Arena sa Pasig City.

Ikalawang sunod na panalo rin ang pakay ng Cagayan Valley Rising Suns at Cafe France kontra magkahiwalay na kalaban. Makakasagupa ng Rising Suns ang Breadstory-Lyceum sa ganap na 12 ng tanghali at makakaharap ng Bakers ang Racal Motor Sales Corp. sa ganap na 2 pm.

Ang Hapee ang siyang kumuha sa prangkisa ng multi-titled NLEX. Hawak ni coach Ronnie Magsanoc, ang Fresh Fighters ay kinabibilangan ng mga manlalaro buhat sa San Beda at Ateneo.

Bukod dito ay sumasandig din si Magsanoc kina two-time UAAP Most Valuable Player Bobby Ray Parks, NCAA MVP Earl Scottie Thompson, Troy Rosario ng NU at Arnold Van Opstal ng La Salle.

Noong Lunes ay dinaig ng Hapee ang AMA University Titans, 69-61 at naungusan naman ng Tanduay Light ang MJM M-Builders, 78-77.

Hawak ni coach Lawrence Chongson, ang Tanduay Light ay nakakuha ng 16 puntos buhat kay Roi Sumang laban sa MJM M-Builders. Siya ay sinuportahan nina Leo de Vera na nagdagdag ng 13 at Jaypee Belencion na gumawa ng 10.

Ang Cagayan Valley ay nagwagi kontra sa MJM M-Builders, 94-86 samantalang tinambakan ng Cafe France ang MP Hotel Warriors.

Natalo naman ang Racal Motors sa Cebuana Lhuillier, 89-70 samantalang nabigo ang Breadstory-Lyceum sa nangungunang Jumbo Plastic Linoleum, 79-72.

 

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …