BIBIGYANG halaga ng Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) ang mga tulong/ kabayanihang ibinigay nina Daniel Padilla, Karla Estrada, at Anderson Cooper, reporter ng CNN sa mga biktima ng Yolanda noong isang taon.
Kung ating matatandaan, nagsagawa ng free concert ang mag-inang Karla at Daniel last year. More than 25,000 ang dumagsa sa concert na muntik nang hindi matuloy dahil sa mga gustong humarang na politiko. Pero dahil sa magandang hangarin ng mag-ina, hindi sila napigil.\
Si Cooper naman ay nagpunta pa mismo sa Tacloban para i-report ang totoong pangyayari sa lugar nang masalanta ng bagyong Yolanda.
Dahil sa mga ginawa nilang ito, ilan sila sa gagawaran ng Handumanan Award: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan sa Biyernes, November 7 kasabay ang isang libreng thanksgiving concert na may titulong Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle, 4:00 p.m.-12 midnight.
Ang Handumanan ay Visayan term na ang ibig sabihin ay tribute. “It’s also like a heroe’s award na ibibigay sa mga indibidwal o grupong nagpakita ng kabayanihan o inspiring stories before, during and after the Yolanda storm,” ani Carlo Maceda, dating aktor at ngayo’y advocacy/ history producer-filmmaker at isa sa bumuo ng HDGI.
“Ang broad ng spectrum na gusto naming mangyari, but to simplify it, first of all, ’yun nga, we wanted to gather all the stories to inspire the next generation. ’Pag tungkol sa Haiyan, ’di ba, puro pangit ang kuwento? Maraming namatay, ’yung donasyon,i binulsa, napanis na donations. Walang balance.
“Maraming kuwentong magaganda na hindi naise-share, so why don’t we do that? Dito tayo sa solusyon. Why don’t we suggest information bodies na parang neutral information center na mag-i-inform halimbawa where to give donations or ano ’yung kailangan talaga.”
Kasama ni Carlo sa pagbuo ng Handumanan free concert ang best friend at former Tacloban City Administrator-advocate na si Atty. Tecson Lim. Ang award-winning song ni Rico Blanco na nagmula rin sa Leyte na Liwanag sa Dilim ang gagamiting thanksgiving concert’s carrier song.
Ang mga magpe-perform sa free concert sa Friday ay kinabibilangan nina Kitchie Nadal, South Border, Rocksteddy, Jireh Lim, Mayonnaise, Imago, Myrus, Philippine Philharmonic Orchestra, Banda ni Kleggy, Gracenote, Phylum Band, Belle Ame, Imago, Chlara, Carpio, Aisaku Yokogawa, Geo Ong, Garth Garcia, Sherwin Castro, Joon Baltazar, Steve Steadman at iba pang mga sikat na banda.
“I witnessed everything and I believe that it is my responsibility to turn this experience into practice so that we may be able to react better and in effect save more lives in the future,” ani Lim.
Sa konsiyerto ring gaganapin ay ilulunsad ang advocacy-movement na Haiyan Disaster Governance Initiative o HDGI. Layunin nitong palawakin ang bagong disaster-preparedness at mitigation standards and methods sa tuwing may darating na sakuna hindi lamang ngayon kundi sa mga darating pang panahon.
Ang theme ng samahan ay, “Turning experience into practice,” at layunin nitong ma-synthesize, codify at ma-institutionalize ang natutuhan sa nanghari sa Yolanda, the most devastating tropical storm na naranasan n gating bansa.
ni Maricris Valdez Nicasio