Monday , December 23 2024

Magdyowa sa Cebu tiklo sa P2-M shabu

100814 shabu drugsCEBU CITY – Nasadlak sa selda ang mag-asawang level 2 drug pusher at isa pang makaraan ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mojon, lungsod ng Talisay Cebu kamakalawa.

Tinatayang aabot sa P2.3 milyon ang halaga ng 200 grams ng shabu na narekober ng mga pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina si Paquito Hisola, 33, nas akategoryang level 2 drug pusher; Dianne Brigid Ortega, 27, live-in partner ni Hisola; at si Redoma Tiana, 49, pawang nakatira sa naturang lugar.

Inihayag ni Senior Insp. Armando Labora ng Provincial Intelligence Branch ng CPPO, iniulat ng isang informant ang hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek kaya isinagawa nila ang buy-bust operation.

Nakipagnegosasyon ang pulisya, sa pamamagitan ng poseur buyer para bumili ng 100 grams ng shabu, sinabi ng suspek na may available siyang 200 grams ng illegal na droga.

Ani Labora, hindi nagawang makatakas ng mga suspek nang malaman na mga pulis pala ang nakipag-deal sa kanila.

Bukod sa 200 grams ng shabu, narekober din ng mga awtoridad ang P400,000 bundle money.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *