Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Airtime limit pinal nang ibinasura ng SC

The Asia Foundation Philippines090514 comelec brillantes Supreme CourtPINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang kanilang unang desisyon na nagbabasura sa aggregated airtime limit ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga politiko.

Ayon sa kataas-taasang hukuman, nabigo ang poll body sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), na makapaglahad ng bagong argumento sa kanilang motion for reconsideration para baliktarin ang resolusyon noong Setyembre.

Kung natuloy ang patakaran ng komisyon, bibigyan lamang nang limitadong oras ang isang politiko para makapangampanya gamit ang radyo at telebisyon, bagay na sinalungat ng maraming kandidato dahil mapipilitan anila silang maglibot sa bawat pulo ng ating bansa para lamang marinig ng taong bayan.

Sa national candidates, 120 minuto na lang ang magiging airtime limit habang 180 minuto sa radio stations.

Habang sa local candidates, 60 minuto ang maaaring magamit sa TV networks at 90 minuto sa radio stations.

Inirerespeto umano ng Comelec ang SC ruling sa naturang isyu.

Para sa panig ng Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) at ibang petitioner, natutuwa sila sa SC ruling dahil nakita ng mga mahistrado ang kahalagahan ng pagsasahimpapawid ng political ads na paraan upang makilala ng publiko ang mga kandidatong maaaring iboto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …