Monday , December 23 2024

P28-M US postal money orders nasabat sa NAIA

110614 naia photoKINOMPISKA ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang dalawang parsela na naglalaman ng Uni-ted States postal money orders na nagkakahalaga ng US$631,470 (P28-M) kahapon dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code at sa Anti-Money Laundering Act.

Ayon kay Customs District III Collector Edgar Macabeo ang parcel na naglalaman ng 651 pirasong postal money orders na may equal va-lue na US$970 bawat isa, ay walang pangalang nakalagay.

Idineklara itong “letters and cards” at ipinadala sa pamamagitan ng FedEx courier delivery service ni Kokou Charles Adadpo nitong nakaraang Oktubre 22 mula sa Togo sa West Africa.

Ang shipment ay naka-consign kina John Sacada Matters at David Matter, parehong may address sa Unit 710 Ferrous Bel Air Tower sa Makati City, na dumating sa Manyila nitong Lunes ng hapon (Nobyembre 3).

Iniimbestigahan na ng BoC kung lehitimo ang dalawang consignee.

Inilagay naman sa alert order ang package makaraang makatanggap ng tip ang airport Customs intelligence group sa pangunguna ni Joel Pinawin mula sa kanilang counterpart sa France.

Matapos maeksamin ng French customs ang parsela saka ito pinayagang makalipad patungong India saka sa China, ang FedEx’s Asia hub, bago tumuloy sa Filipinas dahil walang French nationals na sangkot sa shipment.

Humingi ng tulong ang Customs sa US authorities para malaman kung tunay o peke ang mga money order.

Gloria Galuno

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *