Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Magandang dulot ng paghihiwalay

110514 goodbyeANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).

 

00 fengshuiANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).

Ano nga ba ang epekto ng paghihiwalay? Kung ito ay panandalian, magdudulot ba ito ng lamat sa inyong pagsasama? Kung ito naman ay matagal, hahantong ba ito sa hindi pagbabalikan?

Sa katunayan, ang paghihiwalay ay mayroon din adbentahe. Mayroong kasabihan na ang muling pagsasama mula sa isang panandaliang paghihiwalay ay kadalasang mas higit pa sa bagong kasal. Dahil dito, maaari ninyong mapabuti ang pagpapadama ng romansa sa isa’t isa. Kung ang magkapareha ay paminsan-minsang hindi magkasama, maaalala nila ang kahalagahan ng panahong sila ay magkasama.

Kung aalis si misis upang bisitahin ang kanyang pamilya, makararamdam si mister ng kalayaan sa ilang mga araw. Ngunit, darating din talaga sa pagkakataong mararamdaman ni mister na hindi kompleto ang kanyang araw kung wala ang mga bagay na ginagawa sa kanya ni misis.

Sa isang banda, ang matagal na paghihiwalay (o ilang taon paghihiwalay) ay pumapatay ng isang relasyon. Natural na sa tao ang balewalain ang mga bagay na kanyang tinataglay. Dahil dito, nawawalan ng sense of gratitude ang isang tao. Ito ay kalimitang nagaganap sa mag-asawa o magkaparehang matagal nang nagsasama. Dahil mataas na ang sense of familiarity, nawawala na rin ang excitement na makita ang isa’t isa sa paglipas ng panahon. Sa puntong ito, nararapat lang na pahalagahan ng magkapareha ang mutual support na makukuha sa mga ordinaryo na nilang nakikita at nakakamtan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …