ni Tracy Cabrera
TULAD ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao, kaliwete rin si Michael Farenas, at ginagawa niya ang lahat para matulad sa People’s Champ—ang maging kampeon ng Pilipinas, lalo na sa nalalapit niyang laban sa Nobyembre 14 kontra sa wala pang talong si Jose Pedraza ng Puerto Rico.
Kapag nanalo si Farenas, mapaaangat niya ang kanyang sari-li bilang No. 1 contender ng IBF world super featherweight title na hawak ni Rances Barthelemy ng Cuba.
Lumaki si Farenas sa Gubat, Sorsogon at napasabak lamang sa boksing noong 15-anyos na siya. Binig-yang kredito ng Bikolano ang kanyang pinsan sa pagtuturo sa kanya ng basics ng pakikipaglaban.
Ang pinsan din niya ang nagdala sa kanya sa mga amateur bout sa kanilang barangay na roon ay nakilala ang kanyang talento sa boxing.
Hindi nagtagal ay napasama siya sa national team, pero nagtagal lang siya rito ng tatlong taon bago naging propes-yonal noong 2004.
Si Gerry Peñalosa ang paboritong boksingero ni Farenas, kaya siya ngayon ang kanyang mentor sa pag-asam na makilala sa buong daigdig.
Tatlong taon makalipas maging propesyonal, nag-boxing debut siya sa Estados Unidos sa undercard ng Manny Pacquiao-Marco Antonio Barrera rematch sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada noong 2007. Ito ang unang pagkaka-taon niyang ipamalas sa mundo ang kanyang husay at ga-ling, at hindi rin naman niya binigo ang lahat sa pagdispatsa niya sa kanyang Mehikanong katunggali sa loob lamang ng dalawang round.
Nagkaroon si Farenas ng dalawang tsansa para mapanalunan ang world title. Noong Hulyo 2012, nakalaban niya sa Japan si WBA world super featherweight champion Takashi Uchiyama pero isang accidental headbutt ang nagtapos sa sagupaan na technical draw matapos ang tatlong round ng aksyon.
Sa sumunod na laban, nakipagbakbakan naman si Farenas kay Cuban superstar Yuriorkis Gamboa para sa WBA interim world super featherweight title. Nabigo man dito, napatu-nayan din naman ng Pinoy boxer na may ibubuga siya dahil napabagsak niya si Gamboa sa ikasiyam na round.
Sa huling limang laban ay nagwagi si Farenas pero hindi pa rin nagpapabaya ang kanyang team sa pag-hahanda laban kay Pedraza dahil maghaharap sila sa mismong lugar ng Puerto Rican boxer.
“There’s that worry about a (possible) hometown decision because it happens just about everywhere,” ani Peñalosa.
“What I tell him is we don’t want this fight to go to the jud-ges, we have to win by knockout.”