HINDI na raw pala tuloy ang plano ng TV 5 para sa bagong noontime show na ipo-produce nila at pamamahalaan ng iconic TV producer na si Kitchie Benedicto. Ang sabi ay wala raw yatang makuhang host na bagay sa programa. Naisip nila noon na kunin si Edu Manzano pero umalis na ang TV host sa estasyon at bumalik na sa Kapamilya network.
For us ay tama lang ang naging desisyon ng management unang-una ay mahihirapan sila na bumangga sa institusyon ng Eat Bulaga na 35 years na sa field of television tapos nariyan pa ang It’s Showtime ng ABS-CBN. Saka kahit nga si Willie Revillame na matagal na naghari noon sa noontime ng Dos ay hindi nagwagi nang tapatan nito ang Bulaga noong nasa Kapatid station pa siya. Mas maganda kung mag-concentrate na lang ang network ni Mr. Manny Pangilinan sa mga reality, youth oriented at sports show dahil dito sila click.
Tama gyud!
ni Peter Ledesma